the oficial website of the mayor of kawit, cavite

Tourism Summit And Media Launch

Tourism Summit And Media Launch

Noong nakaraang October 17, ginanap ang Tourism Summit at Media Launch sa pangunguna ni Mayor Angelo Emilio Aguinaldo sa Tangulan Arena. Ito ay dinaluhan ng mga Konsehal ng bayan, Department Heads, Barangay Chairmen, SK Chairmen, and stakeholders.

Nagbigay ng paunang salita si Mayor Aguinaldo. Inumpisahan niya ito sa pagkilala ng historical and cultral heritage ng bayan ng Kawit. Hiniling rin ng alkalde ang suporta ng lahat para sa patuloy na pag-usad ng ating turismo.

Nagkaroon ng signing ng pangako ng suporta para sa nasabing aktibidad upang mapagpatuloy ang pagsulong ng turismo sa bayan ng Kawit. Sinamahan tayo ng ating guest speaker na si BB. Pilipinas International 2019 Bea Patricia “Patch” Magtanong sa nasabing pledge.

Nagbigay rin ng maikling mensahe si Patch Magtanong bilang suporta para mapalawak pa ang turismo sa Kawit.

Dito rin inilunsad ang Kawit jingle kung saan ipinakilala ang lahat ng heritage sites ng Kawit kasama na rin ang ilang storya ng mga Kawitenyo.

Nagbigay aliw rin sa Tourism Summit and Media Launch ang Kawit Singing Ambassador, Teatro Baile De Cavite at si Erwin Martinez ng St. Mary Magdalene Band.

Ilang media rin ang sumama sa nasabing programa kagaya ng ABS-CBN News upang hingan ng pahayag ang alkalde ukol sa turismo ng Kawit.

Sinamahan tayo nina Ms. Ganiel Krishnan And Mr. Gab Lagman bilang hosts sa Tourism Summit and Media Launch.

Ilan lamang ito sa mga programa na parte ng #AksyongAguinaldo

Add Comment