Mayor’s Speech for Social Amelioration

Magandang Kawit sa lahat!

Noong unang ideklarang may pandemic,

Siniguro na natin na tayo’y tutulong

Lalo na sa mga pinakanangangailangan.

Dahil iyan ang tatak ng lideratong may

Tunay na puso at malasakit

Isang programa ng national government

Ang SOCIAL AMELIORATION PROGRAM o S-A-P

Na naglalayong magbigay tulong

Sa mga Pilipinong kapos

Sa kasagsagan ng COVID-19

Ang programang ito ay nakasaad sa Republic Act 11469

o ang Bayanihan to Heal As One Act.

18 million Families o 90 million Filipino

ang sinasabing beneficiaries ng programang ito.

Dito po sa bayan ng Kawit,

Mayroon po tayong 35, 520 households

At nakatanggap lang tayo ng 27 thousand na SAC forms

Ngunit, base po sa screening ng DSWD

10,182 beneficiaries lang po ang mabibigyan

At wala po sa atin ang desisyon kung sino ang mga mapipili

Dahil ang national government particular na ang DSWD mismo

Ang siyang nagdedesisyon ukol doon.

Base po sa minimum wage ng bawat rehiyon,

mabibigyan po ng mula sa 5 thousand pesos

hanggang 8 thousand pesos ang bawat pamilya.

Dito po sa atin sa CALABARZON,

6,500 pesos po ang matatanggap

ng ating mga beneficiaries

kada pamilya na napili dito sa programang ito

Sino po ba iyong makikinabang sa programang ito?

Para po ito sa mga poor at informal sectors

O iyong mga mahihirap o walang pirming trabaho

Pati na rin iyong mga nawalan ng hanap-buhay

Dahil po sa quarantine

Dagdag po riyan, ang mga tinatawag

Na vulnerable o disadvantage sectors

Gaya ng senior citizens, PWD, pregnant/lactating women,

Solo parents, OFW in distress, mga IPs,

Mga walang tahanan, mga informal workers,

Affected public drivers, family businesses,

Sub-minimum wage earners, farmers, fisherfolks.

Paano naman ito makukuha ng mga beneficiaries?

Ang distribution po nito

Una, ay sa pamamagitan ng

Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps)

Pangalawa, ay sa pamamagitan po

Ng Social Amelioration Card

O iyong S-A-C

Para po sa mga 4Ps Beneficiaries,

Wala na po kayong kailangang gawin

Dahil automatic po na didiretso

Sa inyong cash card accounts

ang inyong mga relief assistance.

Idadagdag po ang relief assistance

Na ito sa inyong buwanang nakukuha

Para naman po sa mga hindi pa bahagi

Ng 4Ps,

Mayroon pong Social Amelioration Card

Na tinatawag

At ipinapadala po ng DSWD itong forms na ito

sa LGU Level.

Iyong listahan po na galing sa national

Ay kukumpiramahin naman sa barangay level

Ito po ang sample ng Social Amelioration Card

Na galing po sa DSWD.

Dalawa po ang inyong kailangan

i-fill out na forms.

Iyong isa po ay kopya po ng barangay

At ang isa naman po kopya po ninyo.

Bilang inyong alkalde,

pinapangako ko sa inyong lahat na

mag-aabot tayo ng tulong

hanggang sa ating makakaya.

Tayo’y may kinakaharap na pagsubok.

Ang lahat ay magbabago pagkatapos nito.

Ngunit laging mananatili ang ating

Puso at malasakit para sa bayan ng Kawit.

Add Comment