the oficial website of the mayor of kawit, cavite

#ProjectHiram: Tulong sa mga Negyosante ng Kawit

#ProjectHiram: Tulong sa mga Negyosante ng Kawit

Malaki ang naging epekto ng COVID-19 sa ating ekonomiya at isa sa mga pinakatinamaan ay ang ating mga micro at small enterprises. Upang makatulong sa mga small businesses na ito, itinaguyod ni Mayor Angelo Aguinaldo ang #ProjectHiram.

Sa ilalim ng programang ito, makakahiram ng pang-puhunan ang mga may-ari ng maliliit na negosyo sa Kawit nang walang interes. Ito ay isang lending program kung saan 0% ang Interest Rate at 1 Year to Pay ang hihiramin. Nais ni Mayor Angelo na mas makatulong sa mga Kawitenyo at kabilang na dito ang mga negosyanteng bahagi ng Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) sa bayan ng Kawit.

Noong unang linggo ng Hulyo, labingsiyam na mga negosiyante mula sa Kawit ang nakatanggap ng 20,000 PHP na cash loan mula sa #ProjectHiram noong sila ay pumunta sa tanggapan ni Mayor Aguinaldo sa Munisipyo ng Kawit.

Ang tanging mensahe ni Mayor Angelo sa mga nakatanggap ay gamitin ng maayos ang kapital, nang ito’y makatulong sa iba pang Kawitenyo at sa bayan ng Kawit.

Kasama ni Mayor Angelo sa kaniyang pamamahagi sina Municipal Administrator Engr. Rey Santos, SAO Jerry Jarin, Business Permit and Licensing Office (BPLO) Head Susan Zapanta, Municipal Accountant Beth Chua, DTI Senior Negosyo Center Business Councilor Kathryn Bernadette Lanon, at mga konsehal ng bayan na sina Emman Tuazon, Debbie Pullido, at Resty Layola.

Add Comment