Mayor’s Speech for Livelihood Training Payout

Magandang Kawit po sa ating lahat!

Mahalaga po sa ating masigurado

Na ang lahat sa Kawit ay may maayos na pamumuhay

Kaya’t mayroon tayong mga ganitong klaseng programa

Para magkaroon ng kaalaman ang lahat

Tungkol sa mga livelihood opportunities.

At mabigyang pagkakataon na mai-angat 

Ang inyong mga pamumuhay.

Alam po ninyo

Maraming tao ang mas pinipili na lang umasa

O di kaya’y humingi kung kani-kanino

Pero kayo pong lahat na naririto

Ay hinahangaan ko po

Kasi mas pinili po ninyong matuto

At napakahalaga po nun

Di ko na po patatagalin pa

Sana’y magamit ninyo

Ang mga kasanayang matututunan niyo

Dito ngayon

Sa ngalan ng puso’t malasakit

Para sa Bayan ng Kawit

Mayor Angelo Emilio Aguinaldo po

Add Comment