the oficial website of the mayor of kawit, cavite

Mayor’s Speech For Coastal Clearance

Mayor’s Speech For Coastal Clearance

Isang Magandang Kawit sa ating lahat!

Ngayong taon ang pangako po natin

Ay ating tututukan ang ating pagpapaganda

Pang lalo sa ating mahal na bayan ng Kawit

Kung kaya’t una sa listahan natin

Ay paglilinis ng mga dapat linisin

Sa loob man o labas ng munisipyo

Ngayong umaga’y narito tayo’t nagtitipon-tipon

Para sa ating coastal Clean-up

At masayang masaya po ako na

Talagang gumising ng maaga ang lahat

Para makiisa sa proyekto nating ito

Hindi po kasi magiging possible

Ang ating mga vision kung wala pong pagtutulungan

Sa ating paglilinis po ng ating mga coast lines

Hindi lamang po natin nililinis

Ang mga nakikita po natin

Malaki po ang nagiging epekto ng ating coastal clean-up

Lalo na po sa industriya ng pangisdaan

Dito sa bayan ng Kawit.

Domino effect po iyan

Kapag malinis ang ating kapaligiran

Ay mas fresh iyong hangin na inaaamoy natin

At mas malinis na mga isda at seafood

Na isa sa mga pangunahing industriya dito sa Kawit

ang ating naiseserve at nakakain

Ngunit hindi dapat dito nagtatapos ang lahat

Dapat ding ipagpatuloy natin ito

Hindi sa isang malaking kampanya

O press release nagkakaroon ng tuna na kalinisan

Kaya’t simple lang ang gusto kong iparating sa araw na ito

Sana’y i-maintain po natin ito at

Mas maging passionate po sana ang lahat

Sa paglinis ng ating kapaligiran

Nang sa gayon po ay makamit natin

Ang ating minimithing Magandang Kawit

Sa ngalan po ng Puso’t Malasakit

para sa Bayan ng Kawit

Mayor Angelo Aguinaldo po

Nag-iiwan ng isang Magandang Kawit sa lahat.

Add Comment