the oficial website of the mayor of kawit, cavite

Mayor’s Speech About Quarantine Passes

Mayor’s Speech About Quarantine Passes

NGAYONG ISINAILALIM NA

SA GENERAL COMMUNITY QUARANTINE

ANG BAYAN NG KAWIT

AT NAGPAPATUPAD NA NG

LOCALIZED VERSION NITO,

MAG-IISSUE ANG TANGGAPAN NATIN

NG MGA QUARANTINE PASS

SA MGA MAY KAILANGAN NITO.

MAY APAT NA URI NG QUARANTINE PASS

NA IPAMAMAHAGI BASE

SA PANGANGAILANGAN NG MGA KAWITEÑO.

ANG MGA ITO AY ANG WORKER’S PASS,

TRAVEL PASS,

FOOD AND MEDICINE PASS,

AT ANG SPECIAL QUARANTINE PASS.

SA ATING TANGGAPAN

MAKUKUHA ANG WORKER’S AT TRAVEL PASS,

SAMANTALANG SA MGA BARANGAY

MAKUKUHA ANG FOOD AND MEDICINE

AT SPECIAL QUARANTINE PASS.

UPANG MAKAKUHA NG MGA PASS NA ITO,

KINAKAILANGAN NG RURAL HEALTH UNIT

O RHU CERTIFICATION AT NG

BARANGAY HEALTH EMERGENCY RESPONSE

TEAM O BHERT CERTIFICATION

NA NAGPAPATUNAY NA WALANG COVID

AT MALUSOG ANG INDIBDWAL NA KUKUHA

NG PASS.

——–

IBIBIGAY ANG WORKER’S PASS

PARA SA MGA MANGGAGAWA

O EMPLEYADONG

WALANG VALID ID.

HINDI NA KINAKAILANGANG KUMUHA

NG WORKERS PASS ANG MGA

MANGGAGAWANG MAYROONG VAILD ID

AT ANG VALID ID NA RIN MISMO

ANG MAGSISILBING TRAVEL PASS

KUNG SILA AY NAGTATRABAHO

SA LABAS NG KAWIT.

GUMAWA RIN NG PARAAN

ANG TANGGAPAN NI

MAYOR AGUINALDO UPANG

MABIGYAN NG WORKER’S PASS

ANG MGA VERIFIED ONLINE SELLER.

UPANG MAKAKUHA NG WORKERS PASS,

KAILANGAN NG CERTIFICATION

MULA SA KAWIT RHU AT ANG

CERTIFICATE OF EMPLOYMENT O COE

MULA SA EMPLOYER.

——–

MAAARI NAMANG KUMUHA

NG TRAVEL PASS ANG MGA

INDIBIDWAL NA BUMIBIYAHE

PALABAS NG KAWIT.

KASAMA SA MGA MAARING

KUMUHA NITO ANG MGA

MAY MEDICAL CHECKUP

PATI NA RIN ANG MAY MGA

REGULAR BUSINESS TRANSACTION

TULAD NG DELIVERY AT PICK-UP.

KASAMA RIN SA MGA QUALIFIED DITO

ANG MGA MAGHAHATID

NG KANILANG MGA KAMAG-ANAK

SA LABAS NG KAWIT O SA MGA AIRPORT,

PANTALAN O IBA PANG TERMINAL.

KINAKAILANGANG MAY RHU CERTIFICATION

ANG MGA INDIBWAL NA NAIS KUMUHA NITO.

———

IPAMAMAHAGI NAMAN NG

MGA BARANGAY OFFICIAL

ANG FOOD AND MEDICINE PASS.

HINDI LAMANG LIMITADO

SA PAGKUHA NG ESSENTIAL GOODS

TULAD NG PAGKAIN AT GAMOT ANG

FOOD AND MEDICINE PASS.

MAGAGAMIT DIN ITO SA IBA PANG

AKTIBIDAD TULAD NG PAGBABANGKO

AT IBA PANG GAWAIN

HANGGAT HINDI ITO LALABAS NG KAWIT.

BIBIGYAN NG DALAWANG

FOOD AND MEDICINE PASS ANG

BAWAT BAHAY O HOUSEHOL

SA KAWIT.

KAILANGAN ITONG IPAKITA

UPANG MAKAPASOK SA MGA

PAMILIHAN, SUPERMARKET,

GROCERIES, AT IBA PANG

ESTABLISYIMENTO.

MAY KARAPATAN ANG MGA

ESTABLISYIMENTONG ITO

NA TANGGIHAN ANG MGA

INDIBIDWAL NA MAGTATANGKANG

PUMASOK NANG WALANG

FOOD AND MEDICINE PASS

O DI KAYA NAMA’Y

MAY NILABAG SA PAGDADALA NG PASS

O SA PATAKARAN NG ESTABLISYIMENTO.

UPANG MAKAKUHA NG

FOOD AND MEDICINE PASS,

KINAKAILANGANG MAY

CERTIFICATION MULA SA BHERT

ANG KUKUHA NITO.

MGA RESIDENTENG NASA EDAD

21 TAONG GULANG HANGGANG

59 NA TAONG GULANG LAMANG

ANG MAAARING MABIGYAN

NG FOOD AND MEDICINE PASS.

———

NAIINTINDIHAN DIN NI MAYOR AGUINALDO

NA MAY MGA KAWITEÑONG

ESPESYAL NA PANGANGAILANGAN

AT HINDI KWALIPIKADO SA IBANG PASS

NA IBINIBIGAY NG KAWIT LGU.

KAYA NAMAN NAGLABAS ANG KANYANG

TANGGAPAN NG SPECIAL QUARANTINE

PASS PARA SA MGA KAWITEÑONG

KABILANG RITO.

QUALIFIED PARA SA SPECIAL QUARANTINE

PASS ANG MGA SENIOR CITIZEN

NA WALANG IBANG KASAMA

SA BAHAY AT KINAKAILANGANG

BUMILI NG MGA PANGUNAHING

PANGANGAILANGAN O MAGSAGAWA

IBA PANG MAG PERSONAL

NA TRANSAKSYON.

KASAMA RIN SA MGA QUALIFIED

ANG MGA MANGGAGAWANG

WALANG EMPLOYER TULAD NG

MGA MAGSASAKA AT MGA TAUHAN

SA MGA SAKAHAN,

MGA CONSTRUCTION WORKER,

MGA MEKANIKO, TUBERO,

ELECTRICIAN, AT IBA PA.

KATULAD NG FOOD AND MEDICINE PASS,

KINAKAILANGAN DIN ANG BHERT CERTIFICATION

UPANG MABIGYAN NG SPECIAL QUARANTINE

PASS ANG MGA NAIS KUMUHA NITO.

KAILANGANG ISUOT ITO SA LAHAT NG ORAS

NG MGA KUMUHA NITO TUWING LALABAS

SILA NG BAHAY SA ILALIM NG

GENERAL COMMUNITY QUARANTINE.

———

SINISIKAP NI NATIN

NA MAPUNAN ANG LAHAT NG PANGANGAILANGAN

NG MGA KAWITEÑO KABILANG ANG

KANILANG MAHAHALAGANG MOBILISASYON.

NGUNIT KAILANGAN PA RING UNAWAIN NA

HINDI DAHIL NASA GCQ LAMANG ANG KAWIT

AY MAAARI NANG LUMABAS ANG LAHAT.

IPINAPAALALA NA IBINIBIGAY LAMANG ANG MGA PASS NA ITO

PARA SA MGA KAWITEÑONG MAY MAHAHALAGA

AT WASTONG RASON UPANG LUMABAS NG BAHAY.

Add Comment