the oficial website of the mayor of kawit, cavite

Mayor’s Speech About Kawit’s Covid-19 Response Summary

Mayor’s Speech About Kawit’s Covid-19 Response Summary

SA PAGHARAP NG KAWIT SA BANTA

NG COVID-19, SINIKAP NG TANGGAPAN

NI MAYOR ANGELO AGUINALDO NA AKSYUNAN

ANG LAHAT NG HAKBANG NA MANGANGALAGA

AT POPROTEKTA SA MGA KAWITEÑO.

NAGPAMAHAGI NG 2.3 MILLION PESOS

SI MAYOR AGUINALDO KUNG SAAN

NAKATANGGAP NG TIG-ONE HUNDRED

THOUSAND ANG BAWAT BARANGAY

SA KAWIT.

SA ILALIM NG KANYANG PAMUMUNO,

MAAGAP NA NAGPATUPAD NG LOCKDOWN

SA KAWIT NA SIYANG PINAKAUNANG

NAGPATUPAD NITO SA BUONG CAVITE.

BUKAS BUONG LINGGO ANG KAWIT

RURAL HEALTH UNIT SIMULA 8:00 AM

HANGGANG 5:00 PM BILANG PAGHAHANDA

SA MGA MAGPOPOSITIBO SA COVID-19.

LINGGO-LINGGO RING

NABIBIGYAN NG UPDATE TUNGKOL

SA KALAGAYAN NG BAYAN

AT SA MGA HAKBANG KONTRA COVID-19

ANG MGA KAWITEÑO SA PAMAMAGITAN

NG #BANTAYCOVID19 EPISODE

NG KAWIT LIVE.

BUKAS RIN TWENTY-FOUR-SEVEN, ANG TANGGAPAN

NG MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION

MANAGEMENT OFFICE O MDRRMO

AT NG KAWIT PUBLIC INFORMATION OFFICE

UPANG AGAD NA TUMUGON SA

PANGANGAILANGAN NG BAYAN.

TATLONG AMBULANSYA ANG NAKAHANDA

ANUMANG ORAS NA MAGAGAMIT

NG MGA SUSPECT O CONFIRMED COVID-19

CASE.

NAGTAYO RIN NG INCIDENT COMMAND CENTER

SA TANGULAN ARENA NA SIYANG NAGSILBING

HEADQUARTERS NG LAHAT NG PROGRAMANG

KAUGNAY NG COVID-19.

SA PAKIKIPAGTULUNGAN NAMAN

NG IN-TOWN HOTEL, NA-ITATAG NG KAWIT

ANG OFFICIAL ISOLATION FACILITY NITO

NA PINAGDADALHAN NG MGA PROBABLE,

SUSPECTED, AT CONFIRMED CASE.

NAGLAAN NAMAN NG MGA MISTING CHAMBER

ANG KAWIT LGU SA APAT NA MAIN CHECKPOINT

NG BAYAN AT ISA PARA SA MGA MAMIMILI

NG BINAKAYAN PUBLIC MARKET.

KATUWANG ANG KAWIT BUREAU OF FIRE PROTECTION,

TWENTY-THREE BARANGAY

AT FORTY-THREE SUBDIVISION

ANG REGULAR NA NA-DISINFECT

SA PAMAMAGITAN NG MISTING OPERATION.

PARA SA COVID-19 UPDATE NG KAWIT

SA KASALUKUYAN, NAKAPAGTALA NA

NG APAT NA RECOVERY SAMANTALANG

TATLO NAMAN ANG NANANATILING

AKTIBONG KASO.

UMABOT NA SA DALAWANDAAN AT

PITUMPU ANG ISINAILALIM

SA RAPID DIAGNOSTIC TEST O RDT.

SINIGURO RIN NG TANGGAPAN NI

MAYOR AGUINALDO NA MAPUPUNAN

ANG PANGANGAILANGAN

NG MGA KAWITEÑO.

UMABOT SA ONE HUNDRED FIFTY-TWO

THOUSAND, FIVE HUNDRED SIXTY RELIEF GOODS

ANG NAIPAMAHAGI SA MGA APAT NA WAVE

NG PAMIMIGAY SA MGA KABAHAYAN

AT MGA STRANDED WORKERS SA KAWIT.

KASAMA SA NILALAMAN NG MGA

RELIEF PACK NA IPINAMAHAGI ANG TATLONG KILO

NG BIGAS, 4 NA ASSORTED CANNED GOODS,

APAT NA NOODLES, AT KAPE O GATAS.

DALAWANGDAAN AT DALAWAMPUNG SAKO

NG BIGAS NAMAN ANG IPINAMAHAGI

SA MGA TRICYCLE OPERATORS AND DRIVERS

ASSOCIATION BILANG TULONG SA MGA

APEKTADONG TRICYCLE DRIVER.

NAGPAMAHAGI RIN NG ISANDAANG GALON

NG ALCOHOL SA KAWIT SAMANTALANG

LIMAMPUNG PERSONAL PROTECTIVE EQUIPMENT

O PPE NAMAN ANG NAIPAMAHAGI SA KAWIT RHU,

AT KAWIT PNP.

NAGPAMAHAGI RIN SI MAYOR AGUINALDO

NG VITAMINS SA MGA RESIDENTE NG ESTRELLA

PHASE 1 AT BARANGAY CONGBALAY-LEGASPI

KUNG SAAN MAY MGA NAITALANG KASO

NG COVID-19.

ISANG LIBONG FACE SHIELDS ANG IPINAMAHAGI

SA MGA MASISIPAG NA FRONTLINERS

SA MGA CHECKPOINT AT ESTABLISHMENT.

SAMANTALA, UMABOT SA LIMAMPUNG-LIBO

ANG NAIPAMAHAGING FACE MASK SA KAWIT.

ISANG LIBO RITO ANG IBINAHAGI SA MUNISIPALIDAD

NG SABLAYAN, OCCIDENTAL MINDORO

BILANG BAHAGI NG PAKIKIPAGBAYANIHAN

NG KAWIT SA GITNA NG KRISIS.

BILANG BAHAGI NG PANATA

NG TAPAT NA PAGLILINGKOD SA BAYAN,

NARITO ANG PANGKALAHATANG

BREAKDOWN NG LAHAT NG GASTUSIN

NG KAWIT LGU SA ILALIM NG KRISIS

NA DALA NG COVID-19.

KABILANG SA MGA PINONDOHAN NG

KAWIT LGU ANG MGA FOOD SUPPLIES

NA GINAMIT PARA SA RELIEF GOODS,

MGA DISINFECTANT SOLUTION AT MACHINE,

MEDICAL SUPPLIES AT EQUIPMENT,

PATI NA RIN ANG AYUDA PARA

SA MGA BARANGAY.

SA KABUUAN, UMABOT SA FIFTY-FIVE MILLION,

SIX HUNDRED EIGHTEEN THOUSAND, NINE

HUNDRED SEVENTEEN AND SIXTY-EIGHT

CENTAVOS ANG EXPENSES NG KAWIT LGU

PARA SA PAGHAHANDA AT INISIYATIBO

NITO KONTRA COVID-19.

SA KABUTIHANG PALAD, MAY MGA INDIBIDWAL

AT ESTABLISYIMENTONG HINDI NAGDALAWANG

ISIP NA MAGPAKITA NG PUSO AT MALASAKIT

SA KAWIT SA PAMAMAGITAN NG MGA DONASYON.

NAKATANGGAP ANG KAWIT LGU NG TWO THOUSAND

ONE HUNDRED NA TWENTY FIVE KILO SACK,

THREE HUNDRED SEVENTY

NA FIFTY KILO SACK,

THREE HUNDRED NA TWO KILO PACK,

AT ONE HUNDRED NA 10 KILO SACK NG BIGAS.

NAKATANGGAP RIN ANG KAWIT LGU NG

TATLONG BOX NG PPE,

FOURTEEN BOX NG FACE MASKS,

SEVEN THOUSAND INDIVIDUAL FACE MASKS,

TWO HUNDRED FACE SHIELDS,

TWO HUNDRED BINDING COVERS,

AT APAT NA GALON NG ALCOHOL.

NAKATULONG SA RELIEF OPERATION NG KAWIT

ANG ONE HUNDRED SEVENTY BOXES

NG CANNED GOODS,

AT TWO HUNDRED THIRTY FIVE BOXES NG NOODLES.

NAKATANGGAP DIN

NG FOUR HUNDRED BOXES NG MEDICINE

AT TWENTY SIX BOXES NG MINERAL WATER

ANG KAWIT LGU.

BUKOD DIYAN, NAKATANGGAP DIN

NG IBA PANG IN-KIND DONATION

ANG KAWIT TULAD NG MGA KAPE,

CUPCAKES, RELIEF PACKS,

SPECIAL HOPIA, AT RICE FLOUR.

NABIYAYAAN DIN NG CASH DONATION

ANG BAYAN NG KAWIT NA NAKATULONG

SA MGA PROGRAMA NITO KONTRA

COVID-19.

ANG MGA NAGBAHAGI AY SINA

SK CHAIRMAN NIÑO REY SANTOS,

PB RONNIE RODRIGUEZ AT

SANGGUNINAG BARANGAY,

KAWIT BARANGAY CAPTAINS,

JEDWIN SUPPLIES ENTERPRISES,

MRS. EMY PULIDO,

CROSS OF CHRIST SALVATION

GOSPEL MINISTRIES.

R.F. NG BARANGAY KAINGEN,

MECHATRENDS CORPORATION,

R.V. RIETA TRADING AND GENERAL

CONSTRUCTION,

MACHIE RONQUILLO, AT IBA PANG

PINILING HINDI MAGPAKILALA.

IPINAKITA RIN NI MAYOR AGUINALDO

ANG KANYANG PUSO AT MALASAKIT SA

PAGBABAHAGI NG KANYANG

10 MONTH SALARY PARA SA

BAYAN NG KAWIT.

NILAYON DIN NG TANGGAPAN NI

MAYOR AGUINALDO NA ILAPIT SA

MGA BARANGAY AT SUBDIVISION

ANG PAMILIHAN SA PAMAMAGITAN

NG MOBILE PALENGKE.

APAT NA JEEP ANG NIRENTAHAN

AT REGUAR NA UMIIKOT SA MGA

SUBDIVISION AT BARANGAY DALA

ANG IBA’T-IBANG PRODUKTO

TULAD NG PRUTAS, GULAY,

AT MGA MEAT PRODUCTS.

Add Comment