the oficial website of the mayor of kawit, cavite

Mayor Angelo Aguinaldo Focuses on Improving Kawit’s Drainage System

Mayor Angelo Aguinaldo Focuses on Improving Kawit’s Drainage System

Mayor Aguinaldo, inaksyunan ang drainage system request ng mga Kawiteño bilang paghahanda sa tag-ulan

Para paghandaan ang mga bagyong darating ngayong panahon ng tag-ulan, binisita ni Mayor Angelo Aguinaldo ang Pugad-Ibon Village sa Brgy. Sta. Isabel, at Brgy. Pulvorista para pakinggan ang kanilang request na pagpapagawa ng drainage para sa kanilang lugar. 

Kasama sina SAO Jerry Jarin, ABC, Alvin Bunag, at Konsehal Resty Layola, nakipag-usap si Mayor Aguinaldo kina Brgy. Sta Isabel Captain Christian Fausto at Pugad Ibon Village Homeowners Association (HOA) President Elsa Faller tungkol sa drainage sa kanilang lugar.

Ayon kay Pugan-Ibon Village HOA President Faller, mabilis at mataas ang pagbaha sa kanilang lugar at matagal din bago ito humupa. Dagdag pa niya, pinamumugaran din ng mga lamok ang baha kaya dagdag perwisyo ito sa kanilang mga residente.

Ayon naman kay Brgy. Pulvorista Captain Noriel Gonzaga, mababang lugar ang kanilang barangay kaya palaging nilang pinoproblema ang baha lalo na tuwing tag-ulan at panahon ng mga bagyo.

Ipinamalas ni Mayor Aguinaldo ang kanyang agarang pag-aksyon sa kanilang mga request at sinimulan ang pagsusurvey sa kanilang mga lugar para malaman kung saan ang pinaka-angkop na paglalagyan ng drainage. Siniguro rin ni Mayor Aguinaldo na aaksyunan niya ang proyektong ito upang hindi na mamroblema ang kanilang mga residente sa pagbaha sa kanilang lugar.

#AksyongAguinaldo

Add Comment