the oficial website of the mayor of kawit, cavite

Kulturang Kawit: Local Fashion Show

Kulturang Kawit: Local Fashion Show

Noong November 23, magagandang dilag at matitipunong kalalakihan ang dumalo sa bayan ng Kawit upang sumalang sa ginanap na Kulturang Kawit: Local Fashion Show sa Liwasang Aguinaldo. Ang fashion show na ito ay upang ipresenta at ipakita ang mga natatanging obra ng ating mga local fashion designers na sina Jolex Remos, Marlon Jay Victa, Jhoemar Jack and Edmir Lagui.

Bago magsimula ang ashion show, nagbigay si Mayor Angelo Emilio Aguinaldo ng kanyang State of the Municipality Address o SOMA na naglatag ng kanyang mga nagawang programa at aktibidad simula ng kanyang ikalawang termino. Patunay lamang na #AksyongAguinaldo ang namamayani sa bayan ng kawit.

Ang mga nagsuot at nagrampa ng mga koleksyon ng ating local fashion designers ay ang mga binibining pilipinas winners na sina

1. Patricia Magtanong, Binibining Pilipinas International 2019

2. Emma Tiglao, Binibining Pilipinas Intercontinental 2019

3. Leren Bautista, Binibining Pilipinas Globe 2019

4. Vicky Rushton, Binibining Pilipinas 2018 1st runner up

5. Sharifa Akeel, Miss Asia Pacific International 2018 winner

6. Ahtisa Manalo, Miss International 2018 1st runner up winner

7. Via Colleen Cruz, 21, Kawitenya. Mutya ng San Sebastian 2019 and Ms. Cavite Junior Philippine Institute of Accountants 2019.

ANG MGA CELEBRITY MALE MODELS NAMAN NA RUMAMPA AY SINA:

1. Eugene Runas- Actor, Commercial Model And Entrepreneur

2. Miguel Villasis- Emerging Actor / Commercial Model

3. Gab Lagman – Celebrity Model

4. Kirst Viray- Model/Actor And Cosmo Centerfold 2015

5. Jm Canillas – Model

6. Adrian Pura – Model

7. Yuki Sakamoto A Fashion Model And Endorser, Bidaman Top 6 Finalist Of It’s Showtime

8. Aaron Davis – Model

9. Clint Karkliñs- Man Of The World 2018 1st Runner Up

10. Dean Manalastas, Kawitenyo.

Dumalo rin upang magbigay saya sina Sachna and EX B Ken, Silanganan Dance Troupe at pati na rin si Hashtag Nikko na nagbigay aliw sa mga Kawitenyo.

Ang programang kagaya nito ay nagpapakitang may worldclass designers rin sa bayan ng Kawit.

Tiyak na ipagmamalaki natin ang sariling atin. Ilan lamang ito sa mga programang inilunsad ni Mayor Angelo Emilio Aguinaldo upang i-promote hindi lamang ang ating cultural heritage pati na rin ang mga local products, handicrafts and delicacies na gawa ng ating mga kababayan.

YAN ANG TATAK KAWIT!

#AlagangAguinaldo

Add Comment