Kawit Citizen Report

ISANG LIGTAS NA KAWIT SA INYONG LAHAT.

ITO PO ANG INYONG MAYOR, ANGELO AGUINALDO.

NGAYONG ARAW PO AY ILALAHAD KO SA INYO 

ANG PANGKALAHATANG REPORT TUNGKOL 

SA SITWASYON NG ATING BAYAN, 

PATI NA RIN ANG LAHAT NG MGA HAKBANG

NG ATING LOKAL NA PAMAHALAAN.

NAIS DIN NATING BIGYANG LINAW 

ANG MGA KATANUNGAN NG MGA KAWITEÑO 

TUNGKOL SA PROGRAMA NG 

NATIONAL GOVERNMENT

GAYA NG SOCIAL AMELIORATION PROGRAM.

SIMULA NOONG MAPAGPASYAHANG MAGDEKLARA 

NG COMMUNITY QUARANTINE SA KAWIT, 

KAAGAD PO TAYONG NAGSIMULA 

NG PAGPAPLANO KUNG PAANO NATIN 

MALILIMITAHAN ANG PAGKALAT NG VIRUS 

AT ANG PAGRESPONDE NATIN

KUNG SAKALING MAY MGA MAGPOSITIBONG KAWITEÑO.

PINAGHANDAAN DIN NATIN 

KUNG PAANO NATIN MASUSUPORTAHAN 

ANG MGA KAWITEÑO SA GITNA NG LOCKDOWN.

KATULAD PO NG INIULAT NATIN SA 

ATING FACEBOOK PAGE, 

NAGLUNSAD TAYO NG LIBRENG SAKAY 

PARA SA MGA MAMIMILI SA 

BINAKAYAN PUBLIC MARKET. 

NAGLAAN TAYO NG APAT NA JEEP, 

DALAWA SA RUTA NG BARANGAY KANLURAN CHECKPOINT, 

PAPUNTA AT PABALIK MULA SA PALENGKE.

GANOON DIN SA BARANGAY BALSAHAN CHECKPOINT.

PARA PROTEKTAHAN ANG KALIGTASAN NG 

ATING MGA DRIVER AT PASAHERO, 

NAGPAPATUPAD TAYO 

NG SOCIAL DISTANCING SA LOOB NG JEEP. 

ANIM LAMANG MAAARING SUMAKAY

AT MAY PROTECTIVE COVER NA PUMUAPAGITAN 

SA DRIVER AT SA MGA PASAHERO.

NAGLUNSAD DIN TAYO NG MOBILE PALENGKE 

NA UMIIKOT SA MGA BARANGAY 

AT MGA SUBDIVISION PARA SA KAALWANAN 

NG MGA KAWITEÑO. 

NAGLAAN TAYO NG DALAWANG JEEP 

NA DUMADALAW SA MGA BARANGAY BUONG LINGGO.

DALA NILA ANG MGA PRUTAS, 

GULAY, AT IBA’T-IBANG MEAT PRODUCTS. 

ANG MGA JEEP NA ITO AY UMIIKOT SA

BARANGAY TOCLONG, BALSAHAN – BISITA,

MANGGAHAN-LAWIN, GAHAK,

STA.ISABEL, PANAMITAN, POTOL-MAGDALO

TABON 1, BATONG DALIG, AT WAKAS.

PATULOY DIN ANG PAMAMAHAGI NATIN 

NG MGA RELIEF GOODS SA BAWAT BARANGAY.

SA KASALUKUYAN AY NAGPAMAHAGI NA TAYO

NG IKATLONG WAVE NG RELIEF GOODS. 

ANG MGA ISINASAMA NATIN 

SA MGA RELIEF PACKS AY TATLONG KLASE;

BIGAS, AT MGA NON-PERISHABLE GOODS 

TULAD NG KAPE, NOODLES, AT MGA DE-LATA.

BILANG TUGON SA KAHILINGAN NG

MGA KABABAYAN NATIN,

NAGDAGDAG NA RIN PO TAYO NG GATAS SA 

SUSUNOD NA BATCH NA ATING IPAMAMAHAGI.

ITO PO ANG TULONG NATIN SA PAGPAPALAKAS 

NG RESISTENSYA NG MGA BATANG KAWITEÑO

KONTRA COVID-19.

KATULAD NG DATI AY IPAGKAKATIWALA 

NATIN ITO SA MGA BARANGAY OFFICIALS 

UPANG SILA NA ANG MAGBAHAY-BAHAY 

PARA MAGBIGAY NITO SA MGA KAWITEÑO.

SA PAMAMAHAGI PO NATIN NG RELIEF GOODS,

MAY MGA INDIBIDWAL AT GRUPO NA NAGPAMALAS

NG PUSO AT MALASAKIT NA TUMULONG SA ATING OPERATIONS. NAGKAWANG-GAWA RIN

ANG IBA SA KANILA SA PAGDODONATE NG PPE

AT IBA PANG KAGAMITAN PARA 

SA ATING MGA MAGIGITING NA FRONTLINERS.

DAHIL PO DIYAN AY NAIS NATING PASALAMATAN

ANG MGA SUMUSUNOD:

SILA MR. RICHARD BEITO AT UNITOP GENERAL MERCHANDISE, 

NATIONAL GRID CORPORATION OF THE PHILIPPINES,

MFB MARKET, MANTAT CONSTRUCTION SUPPLY, 

TREASURE ISLAND, 

BRGY. POBLACION SK CHAIR NIÑO REY SANTOS, 

ENGR. MARLON ANCHETA, MR. GERRY RAMOS, 

SI KAP. RONNIE RODRIGUEZ AT MGA OSPISYALES 

NG BRGY. CONGBALAY-LEGASPI, MR. JOEL SERIGNAYA, 

SKYCASTER HARDWARE, AT MGA BARANGAY CAPTAIN NG KAWIT.

ILAN LANG SILA SA MGA TUMULONG SA 

ATING INISIYATIBONG SUPORTAHAN ANG

MGA KAWITEÑO NGAYONG MAY LOCKDOWN.

MARAMING SALAMAT PO SA INYO PATI NA SA

MGA MAGDODONATE PA. 

NAPAKALAKING TULONG PO NITO

PARA SA MGA KAWITEÑO.

DUMAKO NAMAN PO TAYO SA UPDATES 

TUNGKOL SA KALAGAYAN 

NG ATING BAYAN AT KUNG PAANO

NATIN HINAHARAP ANG COVID-19.

SA KASALUKUYAN PO AY MAYROON TAYONG 

APAT NA POSITIVE CASE SA KAWIT.

SILA PO AY MULA SA BARANGAY TOCLONG, 

SAMALA-MARQUEZ, KANLURAN, AT CONGBALAY. 

ANG DALAWA PO SA KANILA 

AY NASA OSPITAL SA LABAS NG KAWIT 

HABANG ANG DALAWA SA KANILA 

AY NAKAADMIT DITO SA KAWIT 

AT BINABANTAYAN NG

ATING MUNICIPAL TASK FORCE.

MAY KAKAYANAN DIN PO TAYO NA

MAGSAGAWA NA NG MASS TESTING. 

OPERATIONAL NA PO SIMULA NOONG APRIL 24 

ANG MASS SWAB TESTING STATION

MULA SA PROVINCIAL OFFICE. 

AYON PO KAY MUNICIPAL HEALTH OFFICER 

AT MUNICIPAL TASK FORCE INCIDENT COMMANDER 

DRA. CLAUDETTE PULIDO, 

MAY KAPASIDAD TAYONG MAGSAGAWA 

NG SWAB TEST SA 25 NA KATAO BAWAT ARAW.

ANG MGA SWAB SPECIMEN 

AY IPADADALA NAMAN SA

DE LA SALLE UNIVERSITY MEDICAL CENTER.

BUKOD PO DITO AY NAKAHANDA RIN 

ANG ATING MASS RAPID DIAGNOSTIC TESTING.

PARA NAMAN PO SA OFFICIAL ISOLATION FACILITY 

NG MGA SUSPECT CASE AT CONFIRMED CASE 

SA ATING BAYAN, NAGKAROON PO NG 

KASUNDUAN ANG ATING TANGGAPAN

AT ANG IN TOWN HOTEL.

SA KASUNDUAN PONG ITO, NAGLAAN SILA NG 52 ROOMS NA MAGIGING TEMPORARY LODGE NG MGA SUSPECT CASE AT MILD POSITIVE CASE NG BAYAN.

Add Comment