Isang Magandang Kawit sa lahat!
Ipinatawag namin kayong lahat ngayong araw
Para sa isang napakahalagang rason
Iyon ay para magkaroon tayo
Ng isang buo at systematikong organisasyon
Na direkta nating makakapag-ugnayan
Sa mga concerns ng bawat Kawitenyo
Kung narinig naman po ninyo
Binuksan natin sa Facebook
Ang Hashtag Sumbong Kay Mayor
Kung saan malaya pong
Makapagpahayag ang lahat
Ng kanilang mga concerns
Habang ina-assess namin ang bawat sumbong
Isang bagay po ang aming napansin
Maraming mga concerns
Ay galing sa mga Kawitenyong nasa mga subdivisions
At narealize po namin
na maraming limitasyon
ang aming komunikasyon
ng bawat programa sa inyo
Karamihan kasi ay mga private subdivisions
At may mga kanya-kanyang developers
Habang ayaw naman po naming
Mag-cross sa linyang iyon
Gusto rin po naming
Maihatid sa inyo
ang mga dapat na serbisyong
Inyong natatanggap
Kaya’t naisip naming
Why not strengthen
the homeowner’s associations? Di ba?
Bumuo ng isang federation
Kung saan involved ang bawat isa
May mga programang direkta mismo sa inyo
At kasama kayo sa pagpaplano
And with that, we are one step closer
Sa pag-abot ng mas inclusive na pang-gobyerno
Dito sa bayan ng Kawit.
In my administration,
Isang bagay po ang gusto kong bigyan ng pansin
At iyan ay ang mabigyan ang lahat ng Kawitenyo
Ng mas kompartableng pamumuhay.
And that will only happen
If we involve everyone in nation building.
Marami po tayong nakahandang programa sa lahat
Katunayan, sa susunod na linggo na po
Magkakaroon tayo ng inter-subdivision
Basketball tournament dito sa Tangulan Arena
Inaasahan ko po ang lahat
Na dumalo at makiisa.
At suportahan ang inyong mga pambato.
Muli, ito po si Mayor Angelo Aguinaldo
Sa ngalan ng puso at malasakit
Para sa bayan ng Kawit
Naghahatid sa inyo ng isang Magandang Kawit
Sa umagang ito.
Add Comment