the oficial website of the mayor of kawit, cavite

Death Anniversary of President Emilio Aguinaldo

Death Anniversary of President Emilio Aguinaldo

Isang Magandang Kawit sa ating lahat.

Ngayong umaga’y nagtitipon-tipon tayo

para gunitain ang ala-ala ng isa sa mga

tunay na icon ng bayan ng Kawit.

At isang karangalan po para sa akin

Na dalhin ang parehong pangalan

Ng kagalang-galang na President Emilio Aguinaldo

O ang aking lolo Mionog.

Napakaswerte ko po’t

Hindi lamang ang pangalan niya

Ang aking dala-dala

kundi ang legacy

Ng brand of leadership

na mayroon si Lolo Miong

Legasiyang tulad ng pagmamahal sa bayan

Katapangan,

Husay

at Pagpupursige

Upang makamit hindi lamang

Ng bawat Kawitenyo

Kundi pati na rin ng bawat Pilipino

Ang kalayaan

At mapangalagaan ang ating mga karapatan

Si Lolo Miong po ay nakilala ko na lang din

Base sa mga istorya na naririnig ko tungkol sa kanya

Hindi na kasi kami nagpang-abot pa

Ngunit kitang-kita ko pa rin po

Ang pagmamahal ninyong lahat kay Lolo Miong.

At ramdam ko po ito

Dahil sa klase ng pagmamahal na natatanggap ko mula sa inyo.

Ayon sa aking mga nalaman tungkol sa kanya

Si Lolo Miong raw po ay 17 years old pa lamang

Nang maging cabeza de barangay na ng Binakayan

Siya rin ang unang capital municipal ng Kawit

Nang siya’y 26 years old pa lamang.

Hindi na nalalayo sa edad ko ngayon

Kaya siguro naging calling ko na rin po ang public service

Nanalaytay po yata sa dugo namin

Ang paglilingkod sa bayan.

Hinding hindi po makakalimutan

Ng bawat ordinaryong Pilipino

Lalo pa ng mga kabataan

Ang bayan ng Kawit

Elemenatary pa lang,

Itinuturo na sa mga paaralan

ang kabayanihan ng isang Emilio Aguinaldo

At Nakakabit sa pangalan ng Kawit

Ang pangalang Aguinaldo.

Sa Bayan ng Kawit

Naghimagsik at lumaban ang mga Pilipino

Sa mga pang-aabuso ng mga Espanyol

Sa Bayan ng Kawit

Nakamit ng Pilipinas ang ating Kalayaan

Sa Bayan ng Kawit

Unang Iwinagayway ang Bandila ng Pilipinas

At sa likod ng lahat ng iyon

May isang pangalan na hinding hindi malilimutan

AGUINALDO.

Si Emilio Aguinaldo

Ang aking puso ngayon

Ay punong-puno ng kasiyahan

At pasasalamat sa buhay at ala-ala

Ni Lolo Miong

Kung hindi dahil sa iyo, Lolo Miong

Hindi magiging malaya ang bansang Pilipinas

Sa lahat po na naririto ngayon

Lubos ang aking pasasalamat

sa inyong pagmamahal

At pag-alala sa araw na ito

At buhay ng kagalang-galang na Emilio Aguinaldo

Muli, isang Magandang Kawit sa ating lahat.

Add Comment